Mar 16, 2017

BAKIT KA SINGLE ni Kenneth Barrientos

Marami ang nagtatanong bakit daw single pa rin ako hanggang ngayon? Hindi pa daw ba ako nakakamove-on? Umaasa parin daw ba ako hanggang ngayon? Hindi ko pa rin daw ba sya nakakalimutan Mag iisang taon na rin daw kaming wala bakit daw di ko pa sya palitan Ang sagot ko ganito Simple lang naman Dahil madali lang naman talagang hanapan Ng kasagutan yung mga ganoong katanungan Kung gagamitan ng puso at kaalaman. Single parin ako sa kadahilanang Nabigyan ako ng sapat na karunungan Upang magdesisyon Sa ganitong sitwasyon Bilang isang kabataan Naturuan ako na dapat ang pagpasok sa relasyon ay hindi basta basta Hindi lang din dapat puso at isip ang pinaiiral Dapat ay pinagdarasal pa Bilang isang kabataan dapat ay malaman nyo rin to Ang pagpasok sa isang relasyon ay para naring pagpapakasal Dahil ang relasyon ay paghahanda para sa pang habang buhay na pagmamahalan Marahil ay isipin nyo na masyado naman akong advance Pero yun yung totoo yun yung dapat paniwalaan ng lahat Pagpumasok ka sa relasyon ay dapat yun na yung pang wakas Dahil kalakip ng pagmamahal ang salitang pang habang buhay at walang hanggan Siguro iniisip nyo na masyado akong maraming sinasabi Pero mas kailangan nating matuto ng mabuti Ito totoo mula sa mundong ginagalawan natin Sa panahon ngayon 12 or 13 years old palang may karelasyon na Kaya na ba nilang maging ama at ina? Kaya na ba nilang mag alaga ng bata? Hindi pa diba Oh sige nasa edad 18 o 19 na sila Kaya na nilang mag-alaga ng bata Pero ang tanong meron na ba silang sapat na kita? Wala pa! Wag kang matakot na maagawan ng iba dahil isip bata lang ang nag iisip ng ganun Lahat ng nakatakdang ibigay sayo ng Panginoon Ay mapapasayo sa tamang panahon Maghintay ka lang darating din yun At wag kang mag-alala nakapangalan na sayo yun Wag ka lang magmadali may mas magandang kinabukasan kasama sya doon Pero sa ngayon Dapat muna na tayo ay manalig At makinig Sa sinasabi ng biblia Dahil kahit hindi tayo magmadali Ay may nakatakda sating kapareha Nasa sa iyo na yan bilang isang kabataan Kung uunahin mo ang bugso ng damdamin Kesa ang mga bagay na mas dapat mong unahin Wag puro puso ang pairalin Dapat ka ring manalangin.

No comments:

Post a Comment