Mar 16, 2017

TUWING UMUULAN ni Adam Tizon

Sabi mo gawin kitang sandalan sa tuwing walang tigil ang ulan. Ikinulong mo'ko sa'yong mga bisig 'tsaka sinimulang kwentuhan. Habang unti-unti.. Napanatag ako. Hanggang sa hindi ko na alintana ang ingay sa labas, Marahil sa kung anong nagwawala sa dibdib kaya wala nang marinig. Sabi mo.. Lagi nalang akong nakikinig sa mga sinasabi mo. Hanggang sa nasanay ako. Hindi, sinanay mo ako. Tulad ngayon, wala nanamang tigil ang ulan. Sabi mo gawin kitang sandalan, Kaya lang hindi mo na ako binalikan.

No comments:

Post a Comment