Mar 16, 2017

"Mahirap Maging Matapang" ni JSM

Matapang akong tao at handa kitang ipaglaban kahit kanino. Haharapin lahat ng pagsubok para lamang sa'yo. Sa lahat ng pagkakataon hindi kita pababayaan dito sa likod ko. Hindi ko hahayaan na masaktan kahit dulo pa yan ng daliri mo. Ika'y laging protektado maging kampante ka mahal ko. Maraming hadlang sa tatahakin natin pero naririto ako sa tabi mo. Di kita iiwan at bibitawan kapag tayo'y nasa peligro. Pero bakit sa kabila ng lahat ng ito'y ang bilis mong sumuko. Dahil ba ako lang ang nagpupumilit nang sarili ko sa'yo? O may iba kang gusto at ayaw mo naman talaga sa tulad ko. Alam kong ganun ang tumatakbo sa isipan mo pero nagbulag-bulagan ako. Mas tatanggapin ko kasi na nakapikit ako habang hawak ang kamay mo. Kaysa ako'y nakadilat at makita ka na nasa piling ng ibang tao. Pero ito ang pasya mo wala akong magagawa kundi sumang-ayon sa'yo. Dahil wala nga pala yung salitang tayo at wala akong karapatan magreklamo. Gumuho ang pagkatao ko pero babangon pa rin sa laban kung saan ikaw ang naiisip kong panalo ko. Binalak kong ingatan ang isang tulad mo yun ang pagkakamali ko. Wala na akong nagawa kundi magmukmok at umupo. Naiiyak ako hindi lang dahil sa pagkawala mo. Kundi dahil sa mga bagay na aking pinagtatanto. Sino ang hahawak sa mga kamay mo na hindi ko binitawan? Sino ang magpupunas sa mga luha mong pinakakawalan? Sinong mag-iingat sa puso mong sugatan? At sino ang hahagkan sa'yo tuwing kinakailangan? Lahat ng tao alam kong kayang gawin yan pero walang sinuman ang may kaya na tanggapin ang katotohanan. Ang katotohanan na marami man ang tao na handa kang ipaglaban. Ikaw pa rin ang siyang nasa likuran at ang may kakayahan na umalis ng hindi namin nalalaman.

No comments:

Post a Comment