Mar 16, 2017

"Sa Simula Tayo Nagtapos" ni JSM

Alam kong medyo magulo kung iisipin mo na kung paano nangyari na hindi tayo nagwakas sa dulo. Iibahin natin ang nakasanayan na laging sa katapusan mo mararamdaman ang sakit nang kalungkutan. Dahil panghihinayang lang naman sa pinagsamahan ang tanging kahahantungan kapag kumalas na sya nang hindi mo nalalaman. Marahil siya ay may ipinaramdam ngunit ayaw mong paniwalaan na ito'y hudyat na nang kanyang huling pamamaalam. Siguro nga'y magiging manhid ka at bulag para mapansin pa ang mga mali nyang ginagawa. Naiintidihan kita dahil habang nasa sitwasyon ka malamang ay hindi mo nga alintana dahil sa sobrang saya na dulot ng kanyang presensya. Nag-iiba na sya malayo na sa dating pagkatao nya noong nanliligaw pa lamang at nangangako na kayo ay magkasamang tatanda. Kumpara sa kilos at gawa na iyong nakikita sa kasalukuyan na para bang wala nang magandang kahahantungan. Pansinin mo ang mga ito at sabihin mo sa'kin kung lalaban ka pa ba para sa pag-iibigan nyong dal'wa. Nagsimula na siya na manlamig kahit tag-araw pa lamang ang parating na klima. Nagsimula na siya na maging abala at malimit ka na nyang maalala. Nagsimula na siya na balewalain ka at limutin na ikaw ay kanyang prinsesa. Nagsimula na siya na maging mapaghinala kahit siya na mismo ang may kakaibang ginagawa na di mo alintana. Nagsimula na siyang lumingon sa iba at ika'y nakatingin lamang sakanya habang lumuluha. At sana nagsimula ka nang matauhan sa kanya para matapos ang lahat ng pagdurusa na iyong iniinda.

No comments:

Post a Comment