Mar 16, 2017

"Laro" ni JSM

Maraming tao ang bihasa sa larangan nang panloloko. Di naman ito pinag-aaralan kaya ang gumagawa lang nito ay BOBO. Ito'y hindi tamang estilo para maiwasan ang sakit ng puso. Nalulungkot ako dahil sa ganto ang umiiral na kalakaran sa isipan ng mga tao. Papaalalahanan kita na makakatagpo ka rin ng katapat mo. Hindi man yun ngayon pero darating din ang takdang panahon. Di ko naman sinasabi na malinis akong tao dahil alam ko naman na ugali ko rin ang manloko. Ang punto ko lang naman wag tayong masanay na makipaglaro. Lalo't ang larong ito'y PAASA lamang ang mananalo. Dahil sila'y umiwas na sumugal nang pagmamahal sa'yo. At ikaw lang ang tumaya na hindi kailanman mananalo. Pero paano kung gawin din sa'yo maaatim mo ba na maloko? Marahil sasabihin mo'y oo tutal kampante ka naman na di ka na muli magbubukas ng pinto para magseryoso. Isa ka kasing estupido na pinanganak para mangGAGO. At ako'y isang manloloko... Ang napili kong lokohin ay ang sarili ko. Iniisip ko na baka bukas o sa susunod na araw ay mapansin mo na ako ang tumataya sa laro mo dahil ako'y UMAASA sayo.

No comments:

Post a Comment