Mar 16, 2017

"BAKA SAKALI" ni JSM

Maraming katangian ang isang tao pero bilang lamang ang mga bagay na dapat ay mayroon ako para naman ako'y maibigan mo... Ngunit paano na kung ang pagkatao ko'y malayo sa gusto mo magbabago ba ako? o iisipin ko ang lahat ng mga ninanais mo. Kung mayaman lang ako baka sakaling hindi ko na kailangan pang humingi ng limos na pagmamahal sa'yo. Kung magandang lalaki lang ako malamang makuha ko na ang pagtingin mo at ang paglingon mo'y sa'kin lamang nakatuon. Kung matalino lang ako tinuruan na sana kita kung paano mahalin ang isang tulad ko para maipakita ko sa'yo ang tunay na halaga mo. Kung talentado lang ako namangha ka na sa'kin at ako'y magiging idolo mo at sabik na lalapit kapag nakita mo ako. Kung mabait lang ako baka ako'y nasa santuwaryo sa harap ng maraming tao iniisip na hawak ang mga kamay mo at magpapalitan tayo nang salitang oo. Kung macho lang ako mararamdaman mo na sa tabi ko'y ikaw ay protektado at wala kahit sino ang pwede sa'kin makipagtalo tuwing tatanungin kung sino ba talaga ang mahal ko. Kung tapat lang ako baka isa na rin ako sa posibleng nagustuhan mo ang kaso isa lang ang mahal mo WALANG IBA PERO HINDI AKO.

No comments:

Post a Comment