Mar 16, 2017

"LUHA" ni JSM

Ito'y KAKAIBA dahil bihira lang ito kung makita sa iyong mga mata. KAKAIBA kasi ang pagtingin mo sakanya kaya malaki ang impluwensiya na dulot nya. Ito'y papatak lamang kapag NAWALA ang taong iniibig mo ng lubos. NAWALA na rin kasi ang pakialam nya sa'yo kaya't ang luha mo'y bumuhos. Ito'y BIGLAAN na dadating sa iyong nararamdaman. May kahalintulad ito sakanya na BIGLAAN ang pag-alis sa relasyon nyong pinaghirapan. Ito'y aagos sa mga mata mo ng walang patid kung IISIPIN parin siya. Dahil ang kanyang pabatid na hindi ang katulad mo ang IISIPIN nya na makasama. Ito'y PIPILITIN pigilan upang hindi mahalata ng iba. Kagaya ng PIPILITIN mo siyang mahalin ka kahit ang dahilan lamang nya ay awa. Ito'y MAHALAGA kung pakakawalan mo na. Dahil may kalakip itong dahilan na ikaw ay hindi na MAHALAGA sakanya. Ito'y HAHAYAAN mo sa pagtulo kapag ikaw ay mag-isa. Katulad ng kadahilanan na HAHAYAAN ka na lamang nya na maglaho dahil may iba na sya. Alam mo ang totoo? Ito'y kwento ng aking pagluha na TINAPOS ko na tutal TINAPOS mo na rin naman ang salitang tayong dalawa ay para sa isa't-isa.

No comments:

Post a Comment