Mar 16, 2017

"HIGIT SA KAYA KONG SABIHIN ANG NAIS KONG IPARATING" ni JSM

Kumusta? Anong balita? Okay ka lang? Usap naman tayo. (Namimiss na kita hindi man tayo palaging magkasama ikaw lang ang hangad kong makita.) Ako'y may sasabihin ito ang natatangi kong lihim. (Mangako ka muna sakin na kahit kanino ay hindi mo ito sasabihin.) Lihim na pagtingin sa tulad mo na alam kong mahirap abutin. (Dahil sa mga pamantayan mo na malayo sa katangian ko.) Abot tanaw naman ng paningin ngunit hindi kayang paglapitin ang ating mga damdamin. (Kimkimin ko nalang muna ito hanggat wala akong nakikitang pag-asa ni katiting.) Damdamin ko na hindi mapansin dahil hirap ako na umamin. (Ipinagsisigawan ko na ikaw ay aking gusto ngunit tikom ang bibig pagdating sa'yo.) Umamin ng pag-ibig ko na ramdam kong hindi mo diringgin. (May iba kang nais madama at tiyak ko na yun ay ang pagmamahal na mula sakanya.) Kaya bakit ako magmamadali? Sa bagay na gusto kong manatali. (Kung tayo talaga ay para sa isa't isa hahayaan ang tadhana na paglapitin tayong dalawa.) Kung naniniwala ako na kapag ito'y mahalaga matututo ka na maghintay at hindi ka mawawala. (Gaano man katagal ang oras na isasakripisyo ko para lang dumating tayo sa yugto na magkakatagpo ang ating mga puso.) Aabangan kita kahit wala akong katiyakan sa'yo , magmamahal na lamang muna ako ng patago. (Papanatilihin nalang muna ang pagiging tapat sa'yo kahit hindi pa tayo.)

No comments:

Post a Comment