Mar 16, 2017

"GABI" ni JSM

Sa gabi madalas ang mga isip natin ay matalas. Bukas ito sa mga bagay na ayaw na natin maalala. Wala kang magagawa kundi indahin ang sakit na mapapala. Sasaksakin ka nang kamalayan mo para patayin ang pagkakamulat ng iyong mata. Tatakasan ang katotohanan at pipilitin na hindi na gumising pa. Ngunit ang diwa mo'y malakas hindi mo maiiwasan ang pwersa ng kalungkutan. Magninilay-nilay para sa mga bagay na nagiingay sa iyong kaibuturan. Na naririnig mo lamang dahil sa katahimikan na bumabalot sa kadiliman. Magugulo ang iyong isipan upang makabuo ng mga masasaklap mong pinagdaanan. Kaya kailangan mong kumalma at ikintal sa isipan na kahit kailan ay hindi naman siya kasama sa iyong kapalaran. Pero dahil wala kang karamay sa gitna ng gabi na iyong binabaybay. Ramdam mo na siya'y kawalan kahit na hindi mo man lamang siya nahagkan kahit minsan. Kaya ika'y hindi ko masisisi kung bakit ayaw mo sa gabi. Dahil ito'y walang ibang hatid sayo kundi bangungot sa kasalukuyan. Na kahit ang panaginip mo'y ipagkakait pa sa iyo ang mga kasiyahan na ninanais mo. Kasi hindi natin alam kung karapat-dapat ba talaga kayo na magkatagpo. Baka kasi pantasya lamang siya sa iyong isipan na nalilikha mo sa tuwing tahimik ang gabi mo.

No comments:

Post a Comment