Mar 16, 2017

"Mahal pa rin kita" ni JSM

Gumising ako isang umaga na wala manlang akong natanggap na "Magandang Umaga" mula sayo dahil alam kong wala ka na... Nagluluto ako ng iyong paboritong ulam at naiisip kita nagtatanong sa hangin kung "Kumain ka na kaya?" kahit pa alam kong wala ka na... Kumain ako ng almusal na hindi na tayo magkasabay hindi ko na naririnig ang tinig mong maingay pero ayos lang kailangan kong masanay dahil alam kong wala ka na... Naliligo na ako ngunit walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang mga ngiti mo na dati-rati ay nasisilayan ko kahit nasa malayo hanggang ngayon pinipilit tanawin ang dulo ng mga ngiti mo kahit alam kong wala ka na... Magbibihis na nga lang ako ikaw pa rin ang siyang gumugulo , Nangungulila ako sa'yo ang pagtulo ng luha sa aking polo ay hindi na bago dahil alam kong wala ka na... Aalis na ako nasa kalagitnaan na ng byahe hindi na tayo magkasabay ako'y hindi sana'y na sa balikat ko ay walang nakahimlay wala ng iritableng buhok na sa akin ay nakalugay dahil alam kong wala ka na... Nakapasok na ako sa eskwela ngunit ako ay balisa hindi ako handa nag-aalala ako kung "Kumusta ka na kaya?" ay mali "Kumusta na kaya ako?" uunahin ang sarili ko dahil alam kong wala ka na... Natapos na ang klase ko at ako'y nakauwi na hindi pa rin ako mapakali kung "Nasaan ka kaya?" "Ano ang iyong ginagawa?" baka ako ay mapariwara. Tutuparin ko ba talaga ang mga pangarap nating dalawa ng mag-isa? dahil alam kong wala ka na... Isang araw ng pag-aalala sa taong hindi naman ako naaalala hanggang sa pagtulog sa gabi hinahanap-hanap ang iyong labi pero wala akong ibang sinisisi kundi ang aking sarili dahil alam kong wala ka na... Sa panaginip ko ay ikaw ang palaging natatanaw hindi malaman kung sa pag-ibig mo ba ako'y uhaw o baka naman sa mga pinagsamahan natin na sasariwain ko nalang dahil alam kong wala ka na... Paalam na sa taong naging kalakasan ko at siya ring kahinaan ko dito sa ating mundo. Paalam sa kumukumpleto ng bawat araw ko... Pero kahit wala ka na... Sasabihin ko pa rin sayo na MAHAL PA RIN KITA.

No comments:

Post a Comment