Mar 16, 2017

"Ang ULAN" ni JSM

Ano ba ang meron sa ulan? Sa tuwing bumabagsak ang ulan. Hindi ko alam kung purong kalungkutan ang iyong nararamdaman... O kasiyahan na walang hanggan ang hatid ng iyong nakaraan... Sa pag-alala mo ng inyong saliwan na hirap mong makalimutan... Nais mo bang maibsan ang kaguluhan sa iyong isipan? Kaya ganoon mo na lamang abangan ang pagpatak ng ulan... Pahirapan maunawan kung hindi tuwiran ang iyong turan sa iyong nararamdaman... Sa tuwing plano mong magtampisaw sa ulan... Huhulaan ko magkasabay ang mga luha mo at ang mga patak ng ulan na iyong salo... Sa bigat ng magagandang mata mo at mapagkunwari na ngiti mo... Isagunita mo dati-rati ay sa balikat nya buhos na buhos ang sakit , lungkot at kakulangan na iniinda mo... Ngayon ay sa ulan pakubli mong pinakawalan ang lahat ng iyong naranasan... O baka naman ang ulan ang magbibigay-kahulugan sa mga di makakaligtaan na salita na kanyang binitawan bago ka niya tuluyang iniwan... Hindi ko na gusto pang malaman kung ano ba ang kahulugan para sayo ng ulan... Ang tanging sisiguruhin ko lang sa tuwing kailangan mo ng sandalan tawagin mo lamang ang aking pangalan... Papalitan natin ang tanda at kahulugan ng ulan ng panibagong pagmamahalan... Hindi man puro kasiyahan ang iyong dadanasin sa tuwing kasama mo ako sa gitna ng ulan... Ako naman yung makakasama mo na hindi ka hahayaan at lilisanin ng basang-basa sa ulan.

No comments:

Post a Comment