Mar 16, 2017

Kaibigan Lang Ba Talaga? ni JSM

Kapag kaibigan lang hanggang doon lang pero balak kong sumira sa usapan hindi lang kita ibig maging kaibigan may intensyon na akong ikaw ay aking ligawan... Dahil ang kaibigan ay di pwedeng makialam sa mga bagay na iyong gusto pero saliwa sa ninanais ko at sana naman ay kabilang ako sa pipiliin mo... Bawal ako magselos , bagama't ito ang nararamdaman ko at nararapat lamang siguro na ito ay ihayag ko sa iyo dahil ito ang totoo pero dahil nga walang tayo ay palihim na lamang akong magtampo... Magtampo ng labis ay aking ikukubli kahit pa mahirap para sa akin na wala akong sukli mula sa buong pagsinta ko sayo , kaibigan ko di kayang tanggapin na may kahati sa iyo... Pero biglang napagtanto sa kabila ng mga gulo at pakikipaglaban patungo sa'yo , memoryado ko na hindi nga pala tayo pero ibibigay ko lahat sa'yo... Bawal ka nga lang sumbatan at kahit pa ika'y aking paalalahanan na marami akong handang ialay sa iyo may mga hindi maaring tala ang pwedeng umayon sa istorya na nakasulat sa tadhana mo... Limitado lang ang meron tayo kaya kailangan ko nang kumalas sa pagkakaibigan na ito , Darating sa punto na kakailanganin kita anumang oras ko gusto at sana hagkan mo agad ako... Hindi ka laging nandiyan kaya titigil ako na asamin ang kagaya mo , hindi talaga maaari na pilitin ko ito kailangan kong makunteto sa kung ano ang meron tayo... Suportado kita sa mga desisyon mo kaya sana ay pakinggan mo ako , hindi pagiging duwag ang pagsasaalang-alang ng pagkakaibigan na mayroon tayo... Magiging masaya ako sa pasya mo kahit na minsan ay masakit sa akin ito , kailangan ko parin tanggapin dahil tungkulin ko ito bilang kaibigan mo.... Na umiibig sa'yo at naglakas loob hawakan ang mga kamay mo pero sa dulo sarili ko lang pala ang kakapitan ko...

No comments:

Post a Comment