Mar 16, 2017

SUKO ni Tristan John Bernardino

Di ko alam kung bakit kailangan lagi tayo mapunta sa sitwasyon na to...nangako tayo na bawat isa satin iintindi nun..pero ano nangyare parehas tayo nag matigas dalawa sa posibilidad na isa satin na dapat gumawa ng paraan..mahal maari ba ako mag tanong ulit sayo? mahal maari ba na makuha natin ang pangako at di mauwi sa pako ang pagmamahal? Na sa sandaling na waglit ang atin mga kamay kung san tayo naglalakbay...mahal napagod kaba? Pero wala pa sa kalahati ang atin nalakbay ..tila agad parang humina ang iyong mga paa at bigla nauhaw sa sobrang init ng pagmamahal,di ko alam sa mga labi ko na lalabas kung iiwan ka ng pagod o tuluyan na ako ang mag papatuloy nito? Pero isang kamalasan to ..dahil sa umpisa hinatak mo ako papunta sa paglalakbay na to nag handa ako na sa pag hatak mo na walang bibitaw...kaya kahit napagod na ang mga paa mo,nakahanda ang balikat ko para sayo, sabihin mo lang kung ipag papatuloy pa natin to o isusuko ang mga pangako

No comments:

Post a Comment