Mar 16, 2017

WALANG PAMAGAT ni Julie Ambida



Teka, gabi na pala
Nagsisimula nang dumilim ang langit
Parating na din pala ang mga bituin
Nagsisimula na pala matapos ang araw na to

Sa dami ng iniisip ko
Nakalimutan ko na ang oras
Matatapos nanaman pala ang isang araw
Kinabukasan ibang pagsubok nanaman ang lalabanan

Ang sarap palang umupo lang
Tumingala at pagmasdan ang nga tala sa kalangitan
Liwanag na parang nagsasabi sakin na may pag asa pa
Pero sa tuwing yuyuko ako nakikita ko ulit yung madilim, nararamdaman ko ulit yung sakit,

Masakit lalo na't pinalaya na kita,
Ngayong gabi ako nalang mag isa,
Pero mas pipiliin ko ng ganito,
Kaysa parang maging papel na nilulukot lukot mo,

Pagkatapos mong lukutin,
Itatapon mo lang at tatapakan,
Nakalimutan mo na lahat ng mga sinulat mo doon,
Lahat ng mga bagy na iginuhit mo sa papel na yun,

Teka, gabi na pala,
Pero patuloy parin ako sa pag iisip sa'yo,
Sa kung paano ang bukas at ang mga susunod pa,
Sa kung paano ako ngingiti ulit at magiging masaya,

Masakit kang mahalin,
Pero di ko man aminin alam ko na alam mong labis kitang minahal,
Pero teka, gabi na nga pala,
Kailangan ko na 'tong wakasan,

Tula na hindi ko malaman kung ano ang pamagat,
Tulad ng pagmamahal ko para sa'yo,
Di ko na alam,
At di na ako sigurado,

Teka, naririnig ko na ang mga tahol ng aso,
Ang mga ilaw isa-isa ng namamatay,
Teka, gabi na nga pala,
Tulad ng iba siguro kailangan ko naring magpahinga...

No comments:

Post a Comment