Mar 16, 2017

"ALAALA" ni Kristine Lopez

Magsimula muna tayo sa umpisa Umpisa kung saan tayo unang nagkakakilala Umpisa na ang hirap limutin ng mga alaala Mga alaalang kayganda Mga alaalang kaysigla Ang matagal na pagsasama Lahat y nauwi sa wala... Kaya eto na... Eto na ang istorya nating dalawa... Naalala ko noong mga panahon na tayo ay masaya Mga panahon na inaasam na tayo'y hanggang pagtanda Mga panahon na tayo ay laging magkasama Mga panahon na ayaw mawala ang isa't-isa Mga panahon na ayaw ng magkalayo pa... Lahat ng `yun, naaalala mo pa ba? Sguro hindi na, kasi sa iba ka na masaya Iba na yung dahilan ng iyong pagtawa Iba na yung sayo'y nagpapasaya Lahat sayo'y nag-iba na Nag-iba yun simula noong umalis ka Umalis ka para maghanap ng iba... Pero dahil sa tanga ako Kumapit pa rin ako At umasa pang may "TAYO" Araw-araw na umaasa Araw-araw na nagsusumamo Araw-araw at walang patid Pero dahil sa tanga ako `di ko nabatid `Di ko na sobra na at masakit na Ang tanga ko kasi martir ako Ang tanga ko kasi kahit binabalewala mo tuloy pa rin ako Ang tanga ko kasi di ko kayang mawala yung mahal ko MAHAL KO NA MAY MAHAL NG IBA MAHAL KO NA MAY IBA NG NAGPAPASAYA MAHAL KO NA PINAGKATIWALAAN KONG MAY PAG-ASA PA... Pero wala na talaga... Wala na talaga kaya kailangan kong bitawan na... Wala na talaga kaya kailangan kong palayain na Kaya ngayon, pangako Di na ako muling magsusumamo At patuloy ng lalayo Lalayo at di na muling malulumbay Dahil sa mga pangarap na binuo natin ng sabay SALAMAT SA MGA ALAALA SALAMAT SA PAGSASAMA SALAMAT SA PAGBIBIGAY SAYA SALAMAT SA RELASYON NA BINUO NATIN NG MAGKASAMA Sa relasyon na binuo nating dalawa At salamat dahil nalaman ko ang depinisyon ng MAHAL KITA MAHAL KITA KAYA HAHAYAAN KITA KUNG SAAN KA MASAYA MAHAL KITA KAYA PINAPALAYA KITA M-ahal kita A-ko at ikaw sana subalit H-ahayaan kita dahil A-ng sakit-sakit na... L-umayo na tayo sa isa't-isa K-asi di na maaayos pa I-tong relasyon na dating masaya T-igilan na ang ilusyon A-ko at ikaw ay parte nalang ng kahapon Ang lahat ng saya noon Ay parte nalan ng kahapon At ang kalungkutan ngayon Ay simbolo na dapat tayo ay umahon.

No comments:

Post a Comment