Mar 25, 2017

SARADONG LIBRO ni Shy Aragones

Ngayong gabi, libro natin ay tuluyan ng isasara. Upang makapagbukas ng panibagong pahina Pahina na tanging kwento ko muna ang nababasa Kwento natin ay tuluyang tutuldukan na Upang makapagsulat ng panibagong kwento Kwentong sa akin lang muna iikot Bawat salita, bawat talata, bawat pahina, at damdaming nakapaloob Tuluyang ibabaon sa kahapon Upang makapagbukas ng bagong umaga Isinulat ka sa libro ng puso ko At nabura sa pamamaraang alam ko.. --------------------------------------------------------------------------- Isinulat ito hindi upang paluhain ka Isinulat ito upang ipaalam Na ako ay handa na Handa na sa panibagong kwento Kwento na hindi na ikaw at ako ang bida Hatid nito ay paalam Na may kasamang pasasalamat Dala ng malikot na utak At ng memoryang Unti-unti ng lumalabo Memoryang dati ay mas malinaw pa sa pagsikat ng araw Na ngayon ay kasing labo na Ng paglubog sa kanluran Ingat, salamat, paalam

No comments:

Post a Comment