Mar 25, 2017

TAGALAN MO PA ni May Ariele Torio

Sana magtagal pa.. Mga oras na wala ka.. Mga oras na malayo ka. Sana magtagal pa ang sakit Tagalan mo pa. Nang sa gayon di ko na maramdaman Na parang normal nalang Magtagal ka pa.. Para kung sakaling makakaramdam ulit ako ng ganito.. Alam ko na kung paano ko bebendahan Alam ko na kung ano ang gagawin. Alam ko na kung paano haharapin. Sana magtagal ka pa.. Kahit sobrang sakit na Titiisin ko nalang Hanggang sa mamanhid na ako Na sa hindi na ako makadama. Na para bang ang sakit ay pangkaraniwan Na parang ang sugat ay hindi naman malalim Na parang hindi na masakit Na parang wala na akong nararamdaman Dahil ito'y pang-karaniwan na lamang Na sana sa tagal ng sakit Unti-unti na akong magising Magising sa mundong puno ng kasinungalingan.

No comments:

Post a Comment