Mar 27, 2017

Tagutaguan ni Kerrinse Vicencio

Datirati kasama mo ako mag laro ng tagutaguan isa, dalawa ,tatlo pagkabilang mo ng isa hanggang sampu dapat nakatago na ako. Saking pagtago nakita mo akong masaya. pero nung ako na ang taya di kana muling nagpakita tapos na ang isa hanggang sampu pero wala ka parin talaga. Ang tagal kong naghahanap sayo pero nang matagpuan kita may kasama kanang iba at hinayaan na ako nalang ang magbilang ng oras ,panahon at pag asa na muli kang babalik at sasaya Nasan ka na nga ba talaga? sa sobrang lungkot ko ako ay nag bilang muli nag baka sakaling makikita ka uli Isa, isang buong araw akong nag hahanap sayo baka naligaw ka lang at muli pang magkikita Dalawa, Dalawa kayong magkasamang bumalik sa akin at sinabing sorry may mahal na akong iba Tatlo , tatlong beses akong umasa na mawawala ang pagmamahal ko sayo ngunit di ko talaga kaya. Apat , Apat na araw akong umiiyak sa aking unan di ko alam kung pwede pa ba. Lima, limang beses ko nang binubura mga alaala mong sariwa pa Anim Anim na pagkakataon ang pinalagpas para agawin ka sa kanya ngunit alam kong doon ka masaya Pito, pitong beses na akong lumuhod sayo at nagmamakaawa na maibalik pa pero wala na talaga Walo Walong ulit akong nagpakulong sa pag asa na babalik kapa kahit na alam kong ang sakit sakit na. Siyam Siyam na kanta na ang aking napakinggan ngunit tanging luha at panghihina lamang ang nadarama. Sampu, Sampung pangako na hanggang ngayon ay daladala ko pa ngunit nung ako ay matapos sa aking pagbibilang natagpuan kita ngunit durog durog kana

No comments:

Post a Comment