Mar 25, 2017

Sumuko Na ni Edsel Anne Ogawa

Mahal ko, ayoko na ng ganito Tama na, itigil na natin ito. Nasasaktan na ako ng husto, Hindi na ito tama sa paningin ng maraming tao. Ayoko na tama na sawang-sawa na ako. Sawa na ako sa panloloko mo. Sa panloloko mong ako lang ang mahal mo. Sa sinabi mo na ako lang ang nag-iisa diyan sa puso mo. Nakakapagod na, nakakapagod ang kasinungalingan mo. Binulag mo ako sa pag-ibig na hindi totoo. Pinaniwala mo ako sa kasinungalingang ginawa mo. Dapat sinabi mo nalang sa akin ang totoo, na siya ang mahal mo at hindi ako. Sana hindi nalang kita nakilala ng pangmatagalan. Edi sana hindi ito ang kinahantungan. Edi sana hindi ako nasasaktan ng lubusan. Sana pala una palang nalaman ko na hindi ka pala dapat pagkatiwalaan. Nagsisisi ako, Oo! Nagsisisi ako na ipinagkatiwala ko sa iyo ang puso ko. Yung puso ko na ipinagkait ko kahit kanino. Na ibinigay ko lamang sa hindi karapat-dapat na tao. Mahal tama na pagod na ako. Sawa na ako sa ganito. Wag mo nang patagalin pa. Ayaw ko nang masaktan pa. Mahal, tama na. Pakawalan na natin ang isa't-isa. Tama na ang pagsasabing mahal mo ako, kahit hindi naman pala. Tigilan mo na ang kasinungalingang landian lang pala.

No comments:

Post a Comment