Mar 25, 2017

Una't Huling Tula para kay Ms. ni Ariel Nepomuceno Dimson

Ito ang unang pagbati para sayo sinta Sana'y mabasa mo 'to dahil malabo na tayong magkita Salamat sa malatele-serye nating istorya Na ikaw at ako ang bida Ms, lalo kitang mami-miss Sa mga ala-ala mong iniwan noong gabing kay tamis Sa mga umagang kayganda na puno ng malalambing na eksena Tanghaling nagningning dahil sa ating dalawa Salamat Ms, Salamat Pwede na tayong magpahinga Mula sa pag iyak at walang hanggang drama Sa tambalang nagmistulang ikaw at ako ang bida sa una Sa huli, nagwagi pa si KONTRABIDA

No comments:

Post a Comment