Mar 25, 2017

BILANGGO ni Yenoh Justin Estrella

Bilanggo. Iyan ang tinawag ko sa aking sarili nang tayo ay magkatagpo. Binilanggo ko ang aking sarili sa iyong puso. Binilanggo ko ang aking sarili para di na malayo. Binalanggo ko ang akong sarili para maputanayan na ako ay sayo, sayo ng buo. Pero sa aking ginawa, ako pala ay naging tuso. Dahil sa pagkulong ko sa aking sarili, nakalimutan ko ang aking puso. Nakalimutan syang dalhin, at hindi ko sya naitago. Sadyang mali pala ang mag-akala. Mahirap pala pag masyado kang nagtiwala. Sa pagbuo ko sa bawat parte mong nawawala, ang naligaw naman ay ang sarili ko na pala. Ngayong sa tingin kong nabuo na kita, ang sarili ko naman ang dapat kong makita. Pero paano ko pa gagawin yun kung ako ay nabilanggo na sa'yo? 'Wag kang mag-alala, hindi kita sinisisi, pinili ko ito. Sa pag-aakalang muli na ako'y iyong itatago. Sa pag-aakalang mabibilanggo tayo sa magkabila nating puso. Pero ako lang ang nabilanggo. Samantalang ngayon, ikaw pa rin ay litong lito. Inisip kong mabuti kung paano ba ko tatakas. Inisip kong mabuti kung paano makakalabas sa iyong rehas. Ang kailangan ko lang pala ay susi. Ang susi na gagamitin ko para malaman ang totoo. Ang susi na gagamitin ko para makalabas na ako dito. At ang susi na 'yon ay ang tanong na ito, "Mahal mo ba talaga ako?"

No comments:

Post a Comment